Alam naman natin na
ang isa sa pinakamalaking suliranin ng mundo ay ang terorismo na kasalukuyang
kinakaharap ngayon ng ating bansa partikular sa Marawi City ng Mindanao.Ang
terorismo ang isang suliraning kinakatakutan ng lahat ng mga tao dahil sa magdudulot
ito ng isang napakamasalimuot na kapalaran ng maraming tao.
Marami ang naging
epekto ng terorismo sa buhay ng bawat tao lalong-lalo na sa mga taong malapit o
doon nakatira sa lugar na pinangyarihan ng labanan.Una na dito ay ang pagkawala
o pagkamatay ng maraming tao.Pangalawa ay ang trauma na maaaring matanggap ng
mga taong nakasaksi sa pangyayaring labanan lalo na ang mga bata.Kapag
naranasan nila ang trauma ay magiging malaki ang epekto nito sa kanilang social
na buhay.Maaapektohan nito ang pakikisalamuha nila sa iba pang tao dahil sa
takot na nadama.Pangatlo ay ang kanilang mga hanapbuhay at mga ari-arian.Ang
mga labanan sa pagitan ng mga terorista o rebelde ay kalimitang nangyayari sa
mga bukirin na lugar.Kaya naman ang mas maaapektohan dito ay ang mga magsasaka
kasama ng kanilang mga alagang hayop na bumubuhay sa kanila at ang lupang
kanilang sinasaka ay mawawala na lang ng parang bola.Ngunit sa kasalukuyang
kaso ng terorismo ay nangyari sa isang syudad kung saan nasali ang mga
paaralan,hospital at maging ang simbahan.Kung susuriing
mabuti,mas marami o mas malaki ang pinsalang
naganap ng pangyayaari ngayon.Mas marami ang mga pagaari ang nasira.Mas
maraming tao ang naapektohan.May mga taong namatay dahil sa pakikipaglaban
upang makamit ang inaasam na kapayapaan,may mga inosenteng tao ang nadamay,mga
taong marami pa sanang pangarap at gusto itong matupad pero nasayang lang ang
lahat ng iyon dahil sa isang walang kwentang labanan.
Minsan
naiisip ko kung bakit naglalaban tayong mga tao.Kung tutuusin magkatulad lang
naman tayo.Bakit may ibang tao na walang awang pumapatay ng kapwa?Para sa
kanilang pinaglalaban?Siguro.Pero hindi sapat na dahilan iyon upang
pumatay.Bakit imbes na magtulongan lahat ng mga tao sa mundo upang makamit ang
inaasam na kapayapaan ay tayo-tayo pa mismo ang naglalaban-laban?Dapat nating
isipin na ang lipunang inaalagaan natin ngayon ay para sa susunod pang
henerasyon.Dapat simulan na ang pagkakaisa nating lahat dahil sa huli tayo
rin ang makikinabang sa lahat ng ito.Ngunit sa nangyayari ngayon malayong
matupad ang hangarin na iyon.
Alam kong
walang maitutulong ang mga simpleng tao lamang na katulad ko lalo pa at isa lang akong simpleng teen ager para sa pakikipaglaban para makamit ang kapayapaan pero may
magagawa tayong iba na pwedeng makatulong para sa kabutihan ng lahat -- ang
magdasal.Sa panahon ngayon,tanging ang pagdadasal lang talaga ang maaari nating
gawin lalo na ang mga katulad kong kabataan.Kaya magtulongan tayong lahat para
sa kapayapaan at katiwasayan na ating hinahangad.
~SMKL